Di ba't simple ang buhay lalo na't estudyante ka? Puro school activities ang naiisip mo. Kaya lang, sapat na ba ang ganon na lang tayo? Bilang mag-aaral kailangan nating tapusin ang bawat bagay na nakaatang sa atin sa paaralan gaano man karami o kahirap! Nakakakaba man o nakakahiya! Yan kasi ang dapat... Matuto at masanay!... Ngunit paano na ba pagkatapos ng aral? Pano na pagkatapos ng graduation? Pano na sa pag-alis natin sa school? Pa'no na kapag wala na ang mga guro? Naisip mo na ba?
Sa bawat pagkakataon na nasa school tayo, akala natin... pressure at gravity of 100x ang feeling. Kase ang mga bagay na labis nating kinaiinisan, kinatatamaran, kinapapaguran, kina- aayawan ay ang mga mismong bagay na unang-una nating maaalala sa unang araw ng graduation. Masayang isipin na wala na ang mga yan! Pero, amlungkot sa pakiramdam, 'di dahil naaalala natin ang mga pahirap na yon, ngunit dahil nasasabik tayong gawin at gawin ulit yon... Hindi ba't totoo?
Pagsapit ng araw ng graduation, maraming malulungkot, maraming malilimot, maraming magsasaya, pero marami ding maiiwan... 'Di dahil may hindi ga-graduate, kundi dahil sa mga libro at notebook. Kasi naman, mababawasan na ang makakaalala sa kanila, mga estudyanteng bubuklat at magbabasa. Marahil kung hindi makapag- aaral ng kolehiyo, baka sa mga basurahan at bodegang imbakan na ang destinasyon nila. Paano na sa unang araw pagka-graduate mo sa hayskul? Para saan na lang kay sila? Ikaw ba, anong palno mo?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento